Banyuhay, the AHS fair, is open and runs until December 9, 2017

December 07, 2017
By: 
AHS

Halina't makibahagi sa patuloy na pagbabanyuhay ng Ateneo de Manila High School sa Disyembre 7-9, 2017, sa AHS grounds! Danasin ang iba't ibang rides, events, booths, at marami pang ibang magdudulot sa inyo ng matinding kasiyahan.

 
Sakay na sa Anchors Away, Octopus, Caterpillar, Velocity Swing, at Go Kart! Makipaghabulan sa mga tagahuli ng Kiss Mark, Marriage, Dare, at Dress Me Up booths! Maglaro ng Lazer Maxx, Race Against Time Breakout Room, NBA 2K18 tournament, Tekken tournament, at Smash Bros. tournament! Panoorin ang Bodabil 2017, Bluelapalooza, at Coup De Grace! Sumali sa Meet-and-Greet ng UAAP Season 80 Champions Ateneo Blue Eagles! Kumain nang marami at sari-sari mula sa mga food booths at mag-Christmas shopping sa Christmas Bazaar!
 
Sa darating na Disyembre 8, tuklasin ang bagong estilo ng larong Bingo sa BINGO BONANZA, kung saan puwedeng manalo ng iba't ibang gadgets tulad ng JBL speakers, headphones, VIVO smartphone at Apple iPhone 7+! Silayan din ang pagpapasiklab ng mga modelo, stylists, at litratista sa IBAYU Fashion and Variety Show sa Disyembre 9, kung saan puwede ka ring manalo ng Samsung Galaxy J5 Prime, Gift Vouchers sa Spa ng Sofitel Philippine Plaza, buffet for two sa Heat Restaurant ng EDSA  Shangri-La Manila at iba pa!
 
Sabay-sabay nating salubungin ang masayang pagsapit ng #BANYUHAY!
 
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang aming Facebook page sa www.facebook.com/AHSFair at sundan ang aming Twitter account sa @ahs_fair.
 
Ang pagdiriwang na ito ay para sa pagtataguyod ng mga scholarships at social involvement programs ng Ateneo Junior High School at Ateneo  Senior High School.
 
Ticket Prices:
Fair Entrance - PhP80
BINGO Bonanza -  PhP250 for 10 games
IBAYU - PhP300
Bodabil 2017 - PhP150
Lazer Maxx - PhP200
Rides - PhP50
Fair Games - PhP25