3. Paano nauugnay ang federalismo sa desentralisasyon?
Ang mabilis na urbanisasyon, ang paglaki ng populasyon sa isang may-magkakaibang kalagayang pangkapuluan-heograpiko, ang higit na malakihang akses sa impormasyon, at ang mga dumaraming inaasahan ay nakapagbunsod ng pangangailangan para sa higit na mabuting serbisyo publiko, kayâ sadyang tila isang lohikong paraan ang pinatinding lokál na awtonomiya. Ang batayang usapin sa piskal na desentralisasyon ay “ukol sa paghahanay ng mga responsabilidad at mga instrumentong piskal sa angkop na nibél ng pamahalaan” (Oates 1999, 1). Naging isang malaking eksperimento ang desentralisasyon sa pagkakaloob sa mga lokál na nasasakupan ng higit na mainam na pampublikong produkto at serbisyo at ng isang lalong malakas na tinig sa mga bagay na may kinalaman sa pamamahala at patakaran. Gayunman, tulad ng nabanggit na, nagbunga ito ng magkakahalong resulta. Isang umuusbong na kamalayan ngayon sa mga mamamayan na ang pamahalaan ay mas dapat na tumutugon at may-pananagutan.
Dalawang paraan ng pag-iisip ang umusbong kaugnay ng pagpapahusay sa lokál na pamamahala at sa pananagutan: (i) ayusin ang kasalukuyang desentralisasyon sa ilalim ng isang unitaryong sistema sa pamamagitan ng pagpapasok ng mahahalagang enmiyenda sa Kodigo ng Pamahalaang Lokál ng 1991; at (ii) pagpapatindi sa lokál na awtonomiya sa pamamagitan ng federalismo na ang lokál na sariling-pamamahala ang pundamental na prinsipyo.
Ang desentralisasyon sa isang unitaryong sistema at ang federalismo ay parehong may bertikal na sistema ng pagsasálong-kapangyarihan. Gayunman, isang malinaw na pagkakaiba na sa una, ang bertikal na pagsasálong-kapangyarihan ay nasa pagtatakda ng isang sentral na pamahalaan sa pamamagitan ng batas na pinagtibay ng lehislatura, tulad ng Kodigo ng Pamahalaang Lokál ng 1991; sa ikalawa, ang gayon ay itinatadhana ng konstitusyon.
Ang kaibuturan ng pagtatálo ay nasa kung gaano ang dapat manatiling kapangyarihang pampolitika at pang-ekonomiya sa sentro at kung gaano naman ang dapat mailipat sa lokál na nibél, at ang mga garantiyang maaaring taglayin ng lokál na nibél upang mapanatili ang mga kapangyarihan, gampanin, at mga responsabilidad sa pamamahala na itinalagang may-impluwensiya ng politika. Sa kaso ng desentralisasyon sa ilalim ng isang unitaryong sistema, ang katiyakan ay isang batas na pinagtibay ng Kongreso, samantalang sa federalismo, ang di-maigugupong katiyakan ay nasa konstitusyon mismo ng isang bansa. Pinanghahawakang palagáy ng isang estrukturang federalista na mapalalaya nito ang mga lokál na pamahalaan (mga estado, probinsiya, siyudad, munisipalidad) sa masaklaw na pagmanipula ng sentral na pamahalaan upang higit na makatugon sa mga lokál na pangangailangan ukol sa pag-unlad at pangangasiwa. Makalilikha rin ito ng puwang para sa iba pang mga anyo ng sariling-pamamahala na makaaangkop sa mga bukod-tanging lokál na sitwasyon at hangarin.

Back |