11. Ang modelong hybrid (pinaghalò) na may matatag na presidensiya—hindi ba ito ang hinangad ni Marcos?
Isang bastardong bersiyon lamang ng semi-presidensiyalismo ang ginamit ni Ferdinand Marcos upang magawang lehitimo ang kaniyang mga kapangyarihang diktatoryal sa ilalim ng Konstitusyong 1973. Nagpasok siya ng isang serye ng mga enmiyenda (una noong 1976, sumunod noong 1981) sa Konstitusyon upang maisainstitusyon ang kaniyang awtoritaryong rehimen. Sa simula, ang pansamantalang probisyon ng Konstitusyong 1973 ay nagtadhana ng paglipat mula sa isang sistemang presidensiyal patungong ganap na parlamentaryo. Gayunman, ang mga enmiyenda ng 1976 ay nagkaloob sa presidente ng mga kapangyarihang lehislatibo: pinagtibay ng Enmiyenda Blg. 5 ang prerogatibang lehislatibo ng presidente sa ilalim ng Batas Militar at pinalawig ng Enmiyenda Blg. 6 ang mga kapangyarihan ng lehislasyong ehekutibo. Sa gayon, nagpasok ang mga enmiyenda ng 1976 ng dalawahang pinagmumulan ng lehislasyon para sa pamahalaan. Inagaw ng mga enmiyenda ng 1981 ang lahat ng kapangyarihan ng punòng ministro at isinalin sa presidente. Sa gayon, tinaglay ng presidente ang mga kapangyarihan ng punòng ministro, ngunit hindi ang mga limitasyon nito (i.e., pananagutan sa parlamento). Ang palsipikadong semi-presidensiyal na sistema ni Marcos ay isang panlilinlang upang maibuhos ang mga kapangyarihang diktatoryal sa presidensiya (Pangalangan 1981, 236).
Ideal na naghahain ang hybrid na sistemang semi-presidensiyal ng pinakamainam sa magkabilang panig. Gayunman, dahil sa hybrid na katangian nito, hindi ito dapat tratuhin bilang presidensiyal o parlamentaryo, at hindi rin dapat makitang naghahalinhinan (Shugart 2005, 324). Ayon kay Maurice Duverger (1980, sa pagkakasipi ni Shugart 2005), may tatlong katangian ang semi-presidensiyalismo: (i) ang presidente ay popular na inihalal; (ii) may malaking awtoridad ang presidente; at, (iii) mayroon ding isang punòng ministro na nakapailalim sa pagtitiwala ng mayorya ng asamblea. Ang tawag ni Jean Blondel (sa pagkakasipi ni Shugart 2005, 324) sa institusyonal na kaayusang ito ay “doble ehekutibo” na ang presidente ay hindi lamang simbolikong pinunò ng estado; gumagamit din siya ng mga kapangyarihang ehekutibo nang may katuwang na isang punòng ministro.
Nasa kaibuturan ng semi-presidensiyalismo ang kombinasyon ng isang popular na nahalal na presidente na may isang gabineteng may pananagutan sa isang asamblea (o parlamento). Unang ipinakilala ng konstitusyong German Weimar ang institusyonal na inobasyong ito, ngunit naging popular sa Ikalimang Republikang French sa ilalim ni Charles de Gaulle (Shugart 2005, 332).
Maihahambing ang semi-presidensiyal na sistema sa isang korporasyon na ang presidente ang tumatayông chief executive officer (CEO, o opisyal na punòng ehekutibo) at ang punòng ministro ang chief operating officer (COO, o opisyal na punò ng operasyon).
Sa presidensiyalismo, sanhi ng pagsasanib ng mga kapangyarihan, nagiging pangangailangan ang sangay-sa-sangay na relasyong transaksiyonal, samantalang sa parlamentarismo, ang pagsasanib ng mga kapangyarihan ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng isang ehekutibo na nakapailalim sa lehislatura sa herarkikong paraan. Sa kabilang dako, inihahalò ng doble ehekutibo ng semi-presidensiyal na sistema ang isang transaksiyonal na relasyong ehekutibo-lehislatibo sa isang herarkikong relasyon (Shugart 2005, 323).
Hinggil sa mga kainaman ng semi-presidensiyal na sistema para sa Filipinas, ikinakatwiran ni Araral (2017) ang mga sumusunod: (i) higit na demokratiko at patas ang sistema sa pagbubukas nito ng mga posibilidad para sa mga naisasantabi ngunit meritokratikong kandidato na maging pambansang pinunò; (ii) pabibilisin nito ang lehislasyon at padadaliin ang implementasyon sa pamamagitan ng paglutas sa di-pagkakasundo sa pagitan ng mga sangay na ehekutibo at lehislatibo at sa duplikasyon ng kapangyarihan sa paglikha ng batas sa mga kapulungang nakatataas at nakabababà ng pambansang asamblea; at (iii) mayroon itong mekanismo na higit na may-pleksibilidad at di-magastos sa pagsisiyasat sa mga pag-abusong ehekutibo.
Sa kabilang dako, binabanggit ni Elgie (2011, 177) ang mga sumusunod bilang mga di-kainaman ng semi-presidensiyalismo: (i) ang suliraning doble ehekutibo: sa ganitong sistema, puwedeng magkaroon ng dalawang magkatunggaling aktor sa ehekutibo—ang presidente at ang punòng ministro; (ii) ang suliraning doble-lehitimidad: suliranin ng kohabitasyon (hidwaan sa loob ng ehekutibo sa pagitan ng presidente at punòng ministro) at ang hatîng pamahalaang minorya (hidwaan sa pagitan ng ehekutibo at lehislatura); at (iii) suma-sérong eleksiyong presidensiyal: maaaring pumalya ang lehislatura bilang tagapagsuri ng ehekutibo kung ang mga ito, kasama ang presidente, ay nabibilang sa iisang partido. Gayundin, maaaring bumagsak ang demokrasya kapag masyadong naging personalisado ang sistema o kapag lumabis ang mga makapangyarihang presidente sa kanilang konstitusyonal na awtoridad (Tsai 2009, 24).
Ano’t anuman, dapat alalahanin na ang semi-presidensiyalismo—sa praktika—ay nagkakaiba-iba. May dalawang tipo ng semi-presidensiyalismo: (i) premier-presidentialism, na ang punòng ministro at ang gabinete ay eksklusibong nananagot sa mayorya ng asamblea (e.g. France); at (ii) president-parliamentarism, na ang punòng ministro at ang gabinete ay may dobleng pananagutan sa presidente at sa mayorya ng asamblea (e.g. Taiwan).
Kung pagpapatalsik sa pamahalaan ang pag-uusapan, nagbibigay si Choudry et al. (2014, 10) ng pagkakaiba ng dalawang tipo ng semi-presidensiyalismo. Sa ilalim ng president-parliamentarism, ang punòng ministro ay mapatatalsik ng lehislatura at presidente. Sa kabilang dako, sa premier-presidentialism, tanging ang lehislatura ang makapagpapatalsik sa punòng ministro.
Kung gayon, higit na mahina ang presidente sa ilalim ng premier-presidentialism. Gayunman, ang ganitong mahinang kapangyarihan ng presidente ay maaaring aktuwal na makapagdulot ng higit na kahusayan sa pamahalaan. Sa pagkakabanggit pa rin ni Choudry et al. (2014, 11), ang presidente ay maaaring “maging labis na malakas kaysa punòng ministro at ang punòng ministro ay maaaring maging tau-tauhan ng presidente” kung may awtoridad ang presidente na patalsikin ang punòng ministro. Taliwas dito, kung walang gayong awtoridad ang presidente o kung mapipigilan, tulad sa sistema ng premier-presidentialism, nadaragdagan ang probabilidad ng pagsasálong-kapangyarihan, sapagkat ang dalawang pinunò ay maaaring maging magkapantay na ehekutibo. Kung gayon, isang katotohanan na ang premier-presidentialism, kung ihahambing sa president-parliamentariarism, ay nakapagdudulot ng higit na matalas na pagsusuri sa kapangyarihang presidensiyal sapagkat “nagmamatyag ito laban sa awtokrasya, nagpapalakas sa pagsasalong-kapangyarihan, at naglilingkod sa normatibong prinsipyo ng paglilimita sa presidensiyal na kapangyarihan” (Chourdy et al. 2014, 11).

Back |