2. Ano ang iba’t ibang modelo ng federalismo na matagal na at umiiral pa sa mundo hanggang ngayon?
Sa nagdaang mga taon, ang federalismo ay nagkaroon ng sari-saring anyo na kinabibilangan ng mga bagong baryante at inobasyon. Kinasasangkutan ang federalismo ng “pagsusulong ng pamahalaang may-maramihang-antas na pinagsasama ang mga elemento ng pinagsasaluhang-pamamahala at rehiyonal na sariling-pamamahala.” Sa kabilang dako, tumutukoy ang “mga federal na sistemang pampolitika” sa isang hénero ng organisasyong pampolitika na sumasaklaw sa samot-saring espesye. Sa gayon, tumutukoy ang “federasyon” sa isang espesye ng higit na masaklaw na hénero ng federalismo (Watts 2013, 20-21).
Ang Estados Unidos, na nagpatibay sa konstitusyong federal noong 1787, ang itinuturing na unang modernong halimbawa ng federasyon. Gayunman, higit pang matanda ang kasaysayan ng federalismo, bumabalik sa panahong sinauna at edad-medya. Ang Switzerland, halimbawa, ang may pinakamahabang kasaysayan ng pag-eeksperimento sa federalismo. Umiral ang konfederasyong Swiss mula 1291 hanggang 1847. Makaraan ang isang maikling digmaang sibil, lumipat ang Switzerland mula sa isang konfederasyon patungong federasyon noong 1848. Sa Latin America, umusbong ang federalismo sa Mexico (1824), Brazil (1899), Venezuela (1830), at Argentina (1853). Naging federasyon ang Canada noong 1867, sinundan ng Australia noong 1901 (Watts 2013; Hueglin at Fena 2015).
Nasaksihan sa ikalawang hati ng siglo dalawampu ang pagbangon at pagbagsak ng ilang anyo ng mga estrukturang federal upang mapagbuklod ang mga multi-etnikong komunidad sa mga dating kolonya sa Asia, Middle East, at Africa. Sa Asia, kabilang ang Indochina (1945), Burma (1948), Indonesia (1949), India (1950), Pakistan (1956), Malaya (1948 at 1957), at Malaysia (1963). Umabot ang eksperimentong federal sa United Arab Emirates sa dakong Middle East (1971); at sa Libya (1971), Ethiopia (1952), Central African Federation (1953), Nigeria (1954), Mali (1959), Congo (1960), Cameroon (1961), at Comoros (1978) sa dakong Africa. Sa sentral at kasilanganang Europe, itinatag o muling-ibinalik ang mga federasyon, tulad ng Austria (1945), Yugoslavia (1946), Germany (1949), at Czechoslovakia (1970) (Watts 2013).
Sa kasalukuyan, may dalawampu’t pitóng buháy na federasyon sa buong daigdig, kumakatawan sa mahigit 40 porsiyento ng populasyon ng mundo. Lumaki ang bilang na ito mula sa orihinal na siyam na federasyon noong siglo labinsiyam (tingnan ang Talahanayan 1).
Sa pagitan ng dekada 60 at sa pagtatapos ng dekada 80, ang kabiguan ng ilan sa mga sistemang federal ay nagbunyag ng mga limitasyon ng solusyong federal o ng aplikasyon nito sa mga espesipikong sitwasyon (tingnan ang Talahanayan 2). Ano’t anuman, muling nabubuhay ang interes sa federalismo bilang isang mapagpalaya at positibong anyo ng organisasyong pampolitika. Dahan-dahang lumipat ang Belgium mula sa anyong unitaryo patungong federal noong 1993. Pinagtibay ng Africa ang anyong federal matapos ang Apartheid (segregasyon ng mga lahi) noong 1996. Ang España, bagaman may anyong unitaryo, ay federal sa praktika sa ilalim ng konstitusyong 1978 nito (Watts 2013).
Talahanayan 1. Kasalukuyang Federasyon Ayon sa Pagkakabuo

Binuo bago ang Siglo Dalawampu | Binuo noong Siglo Dalawampu |
United States (1789) Mexico (1824) Venezuela (1830) Switzerland (1848) Argentina (1853) Canada (1867) Germany (2nd Reich) (1871) Brazil (1899) |
Australia (1901) Austria (1920) Germany (Federal na Republika) (1948) India (1950) Malaysia (1963) Nigeria (1963) United Arab Emirates (1971) Pakistan (1973) España (1978) Micronesia (1979) Belau (1981) St. Kits and Nevis (1983) Russia (1993) Belgium (1993) Ethiopia (1995) Bosnia and Herzegovina (1995) Comoros (1996) South Africa (1997) Sudan (2005) Iraw (2005) |
Batis: Hango sa Forum of Federation (2017), T. Hueglin at A. Fenna (2015), at R.L. Watts (2013).
Talahanayan 2. Mga Federasyong Hindi na Umiiral

Hindi na Umiiral | Naging mga Estadong Unitaryo |
Soviet Union (1919 – 1991) Indochinese Federation (1945 – 1954) Burma (1948 – 1988) Czechoslovakia (1948 – 1992) Yugoslavia (1946 – 1991) Central African Federation (1953 – 1963) United Arab States (1958 – 1961) West Indies (1958 – 1962) Mali (1959 – 1960) Congo (1960) Serbia and Montenegro (1992 – 2006) |
Libya (1934) Cameroon (1961) Indonesia (1968) |
Batis: Hango sa T. Hueglin at A. Fenna (2015), E. Kavalski at M. Zoloss (2008), at R.L. Watts (2013).
Back | Proceed to Question 3: Paano nagkakaiba-iba ang mga modelo ng federalismo? |