6. “Bago” ba ang idea ng federalismo sa Filipinas?
Matagal nang isinusulong ang federalismo bilang alternatibong estruktura ng pamamahala sa Filipinas. Sa sanaysay na pinamagatang “Las Filipinas Dentro de Cien Años” (Ang Filipinas sa Loob ng Isang Daang Taon), nalathala sa La Solidaridad noong 1889 – 1890, sinabi ni Jose Rizal: “[matapos palayain] marahil pagtitibayin sa kapuluan ang isang federal na republika” (sa pagkakasipi sa Trillana 2016). Noong 1898, ang probisyonal na pamahalaang rebolusyonaryo ng Negros, sa pamumuno ni Aniceto Lacson, ay nagtatag ng Gobierno Republican Federal del Canton de Ysla de Negros, o ang Federal na Republikanong Pamahalaan ng Canton ng Isla ng Negros. Hindi naglaon, kinilala nito ang awtoridad ng Republika ng Malolos na nasa pamumuno ni Emilio Aguinaldo at naglabas ng sertipikasyon na ang Canton ng Negros ay bahagi ng Republika ng Filipinas. Sa gayon, ang Canton ng Negros ang maituturing na pinakanaunang bersiyon ng isang sumisibol pa lamang na Federal na Republika ng Filipinas (Aguilar 2000).
Ang gayunding pagpapasimuno ay nagawa sa pagkakatatag ng Federal na Estado ng Kabisayaan sa Santa Barbara, Iloilo, sa pamumuno ni Heneral Martin Delgado. Noong 1899, isinaalang-alang nina Apolinario Mabini at Emilio Aguinaldo ang paggamit ng isang federal na sistema na kakatawan sa tatlong pulô na Luzon, Visayas, at Mindanao sa paglikha ng Konstitusyon ng Malolos. Sa isa pang panukala ay hiningi ang pagtatatag ng sampung federal na estado na ibabahagi nang pangkat-pangkat sa tatlong isla: apat sa Luzon, tatlo sa Visayas, at tatlo sa Mindanao, at may isang estado na laan para sa mga pamayanang Muslim. Gayunman, hinadlangan ng mga realidad ng digmaan at ng pangangailangang magkaroon ng nagkakaisang pakikipaglaban sa mga kolonisador na Americano ang pagtatatag ng Federal na Republika. Sa ilalim ng kolonyal na pamumuno ng mga Americano, isang pangkat ng mga Filipino ang nagharap ng isang borador ng konstitusyon noong 1899, na nagbalangkas ng isang Federal na Republika na binubuo ng labing-isang estado. Noong 1900, ibinabâ ni Isabelo de los Reyes ang panukalang bilang ng estado sa pitó. Tinanggihan ng mga kolonyal na puwersang Americano ang mga panukalang ito, sapagkat magiging mahirap para sa kanila ang pagkontrol sa buong kapuluan kapag may isang lubos na desentralisadong republika (Coronel 2005; Cureg at Matunding 2006).
Mula noon, may mangilan-ngilan pang pagpapanukala ng federalismo sa bansa. Ginamit ng Konstitusyong 1935 ang estilong-Americanong presidensiyal na anyo ng pamahalaan, ngunit hindi ang federal na sistema nito. Nang mabuo ang Kumbensiyong Konstitusyonal ng 1971 upang rebisahin ang saligang-batas ng bansa, isang panukala sa pagtatatag ng Federal na Republika ang isinulong ng malaking negosyante at delegadong konstitusyonal na si Salvador Araneta. Binansagang “Konstitusyong Bayanikasan” ang panukala at hinihingi nito ang paglikha ng limang estado: Kahilagaang Luzon, Katimugang Luzon, Kabisayaan, Mindanao, at Kristiyanong Mindanao (Cureg at Matunding 2006, 180).
Sa panahon pagkaraan ni Marcos, ilang indibidwal, partido, at kilusan ang patúloy na nagsulong ng pagtatatag ng isang federal na sistema sa Filipinas. Si Senador Aquilino Pimentel Jr., tagapagtatag ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), ay masigasig na tagapagpanukala ng federalismo mula pa sa panahon ng diktadura ni Marcos. Si Ruben Canoy, isa pang lider oposisyon sa panahon ni Marcos, ay nagtatag ng Mindanao Independence Movement (MIM) upang isulong ang pag-iral ng federalismo sa bansa. Isinama ni Bise Presidente Salvador Laurel ang federalismo sa plataporma ng muling-binuhay na Nacionalista Party (NP). Isinulong ni Senador John Osmeña ang federalismo sa kaniyang partido, ang Nationalist People’s Coalition (NPC), samantalang ang kaniyang kapatid, ang gobernador ng Cebu na si Lito Osmeña, ay tumakbo sa pagkapangulo noong 1998 sa ilalim ng isang plataporma ng federalismo sa sarili nitong partido—ang Probinsiya Muna Development Initiative (PROMDI). Noong 2005, binuo ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo ang Constitutional Commission on Charter Change (ConCom), na inatasang magsagawa ng mga konsultasyon at pag-aaral at magpanukala ng mga enmiyenda para sa paglipat ng kasalukuyang presidensiyal-unitaryong sistema ng Filipinas sa isang parlamentaryo-federal na anyo (Cureg at Matunding 2006, 183).
Tatlong pangunahing panukala sa panahong ito ang nagpapaliwanag sa uri ng federalismo na magiging angkop para sa bansa. Kabilang dito ang federal-parlamentaryong modelo na isinulong ng dating pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) at tagapangulo ng Komisyong Konstitusyonal na si Jose V. Abueva at ng Citizens’ Movement for a Federal Philippines (CMFP); ang federal-presidensiyal na modelong binalangkas sa Resolusyon ng Senado Blg. 10 na iniharap ni dating Senador Aquilino “Nene” Pimentel Jr. noong 2008; at ang federal-semi-presidensiyal na modelong inendoso ng kasalukuyang Pangulo ng Senado Aquilino “Koko” Pimentel III at ng PDP-Laban Federalism Institute (tingnan ang Talahanayan 4).
Talahanayan 4. Panukalang Estrukturang Federal sa Filipinas

Tagapagpanukala | Modelo | Panukala |
Jose V. Abueva* Citizens’ Movement for a Federal Philippines |
federal-parlamentaryo | Labing-isang (11) estado, isang presidente bilang simbolikong pinunò ng estado, isang makapangyarihang punòng ministro na siyang pinunò ng pamahalaan, at isang unikameral na parlamento |
Aquilino Pimentel Jr. Resolusyon ng Senado Blg. 10 ng 2008 |
federal-presidensiyal | Labindalawang (12) awtonomong rehiyon, isang federal na pamahalaan na may isang bikameral na Kongreso |
Aquilino Pimentel III PDP-Laban Federalism Institute |
federal-semi-presidensiyal | Labing-isang (11) rehiyon, isang bikameral na parlamento, at isang doble-ehekutibo na ang mga kapangyarihan ay pinagsasaluhan ng isang pangulo at isang punòng ministro |
*Buhat noong Abril 2017, tinalikuran na ni Abueva ang kaniyang buong-buhay na pagsusulong ng federalismo at ang isinusulong na niya ngayon ay ang pagpapahusay ng lokál na awtonomiya sa loob ng isang unitaryong estado tulad sa modelo ng United Kingdom.
Batis: Tinipon at sinuri ni Julio Teehankee.
Ang federal na modelong panukala ng dating pangulo ng UP na si Jose V. Abueva ay orihinal na nagmula sa isang pangkatang pag-aaral na inorganisa ng Philippine Political Science Association Committee on Constitutional Continuity and Change (PPSA-4Cs). Ipinagpatuloy ni Abueva ang pagpapakinis sa modelo, na nilingap paglaon ng Citizens’ Movement for a Federal Philippines (CMFP). Ang kaniyang modelong ito ay pinaboran ding mabuti ng Komisyong Konstitusyonal ng 2005 na pinanguluhan niya. Ang binansagang modelong Abueva ng sistemang federal-parlamentaryo ay nagpapanukala ng labing-isang estado, isang presidente bilang simbolikong pinunò ng pamahalaan, at isang bikameral na parlamento. Nakapadron ang modelong ito sa federal na German, lalo na ang pagkakaroon ng nakatataas na kámarang Senado na ang mga miyembro ay pipiliin ng mga asamblea ng estado sa halip na tuwirang ihahalal ng mga rehiyonal na nasasakupan. Kamakailan, matapos ang ilang dekadang pagsusulong ng federalismo sa Filipinas, binaligtad ni Abueva ang kaniyang posisyon at sumusuporta na siya ngayon sa pagpapahusay ng lokál na awtonomiya sa ilalim ng isang unitaryong sistema ng pamahalaan, na ipinadron sa United Kingdom.
Sa kabilang dako, ang modelong panukala ni dating Senador Aquilino “Nene” Pimentel Jr. ay kulminasyon ng maraming taon ng pagsusulong niya ng federalismo, na nagsimula nang itatag niya ang nakabase sa Mindanao na Partido Demokratiko Pilipino noong dekada 80. Bilang Lider Minorya ng Senado noong 2008, itinaguyod niya ang Resolusyon ng Senado Blg. 10, na nagmumungkahinig magtatag ng labindalawang awtonomong rehiyon, isang federal na presidensiyal na pamahalaan na may isang bikameral na Kongreso. Ang ipinanukala niyang federal-presidensiyal na estruktura ay higit na nahahawig sa modelong Americano, pati na ang pinagsamang halalan ng presidente at bise presidente at ang popular na eleksiyon ng anim na senador sa bawat rehiyon.
Ipinagpapatuloy ng Pangulo ng Senado Aquilino “Koko” Pimentel III ang isinusulong ng kaniyang ama sa pagbubunsod ng isang federal na sistema ng pamahalaan na “Filipinong-Filipino.” Ang panukala niyang federal-semi-presidensiyal na estruktura ay pinalad na umabot sa tagumpay sa halalang pampanguluhan 2016 ni Rodrigo R. Duterte, ang kaisa-isang kandidato na marubdob na nangampanya sa platapormang maka-federalismo. Inorganisa ng batang Pimentel ang PDP-Laban Federalism Institute na naatasang magsakatuparan ng mga pananaliksik, pag-aaral, at gawaing nagsusulong ng federalismo sa bansa. Nakipagtuwang ito sa Local Government Development Foundation (LOGODEF) at sa Political Reform Exponents of the Philippines (PREP)—isang pangkalahatang organisasyon na kinabibilangan ng mga samaháng pampamahalaan, akademiko, at lipunang sibil—sa pangangasiwa sa mga worksiyap at konsultasyon ukol sa paglinang ng isang modelong Filipino ng federalismo. Ang rekomendasyon nito ay tinanggap at inendoso ng Pangulo ng Senado Pimentel at ng Ispiker ng Kongreso Pantaleon Alvarez. Sa panukalang ito, magkakaroon ang Filipinas ng labing-isang rehiyon, isang bikameral na parlamento, at isang doble-ehekutibo na ang mga kapangyarihan ay pagsasaluhan ng isang presidente at ng isang punòng ministro. Bukod sa pagpapatibay sa federalismo, ipinanunukala nito ang paglipat sa anyong parlamentaryo, na ang mga miyembro ng pangalawang kámara, ang Senado, ay ihahalal sa mga rehiyon. Ipinanunukala rin nito ang isang estilong-French na semi-presidensiyal na sistema na ang mga kapangyarihan ng presidente at ng punòng ministro ay malinaw na nababalangkas.