1. Mauuwi kayâ ang federalismo sa pagkakawatak-watak ng bansa?
Bagaman walang sistematikong pananaliksik na nagkokompara sa mga panganib ng pagtiwalag sa ilalim ng unitaryo kontra federal na sistema, may ilang bansa na ang nahatak patungong federalismo dahil mismo sa pagsisikap na patatagin ang pambansang pagkakaisa sa pamamagitan ng pangangasiwa sa mga relasyong pangkapangyarihan sa pagitan ng sentral at mga lokál na pamahalaan.
Ang dalawang pangkalahatang motibasyon para sa federalismo ay ang paglalapit ng pamahalaan sa sambayanan at ang pagpapahupà sa labis-labis na sentralisasyon ng kapangyarihang pampolitika sa isang bansa. Gayunman, kamakailan lamang, iniuugnay ang federalismo sa mga layunin ukol sa pagharap sa matatagal nang hidwaan at di-pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng paghahati-hati sa kapangyarihang pampolitika at pagbibigay ng lalong mataas na antas ng awtonomiya at awtoridad sa pagdedesisyon sa lokál na nibél.
May isang pagtingin na nag-uugnay sa federalismo sa mga pagkilos na separatista. Halimbawa ng mga federal na bansang dumanas ng mga sagupaang separatista ang Canada (e.g., Quebec), United Kingdom (e.g., Scotland), at España (e.g., Catalonia). Ginagatungan sa wari ng mga halimbawang ito ang pananaw na ang federalismo ang nagsisilbing tagapagbadya sa pagtiwalag ng ilang rehiyon sa isang bansa.
Gayunman, isang alternatibong pananaw ang nagsasabi na sa institusyonalisasyon ng proseso sa pagtalakay at pagdedebáte ukol sa mga mapaghatìng sosyo-ekonomiko at pampolitikang usapín sa ilalim ng isang demokratikong balangkas, at sa sistematikong pagharap sa mga hangaring ukol sa awtonomiya at pagsasalong-kapangyarihan ng ilang rehiyon, tiyak na makatutulong ang federalismo sa pagsawata sa panganib ng armadong hidwaan at sa pagpapahupà sa mga panganib ng separasyon. Bagaman ang desentralisasyon ay naikakawing (ngunit hindi nangangahulugang naitutumbas) sa federalismo, naninindigan ang ilang manunurì na naging matagumpay ang desentralisasyon ng Indonesia pagkaraan ni Suharto sa marahas na pagpapababà sa mga separatistang pagkilos sa bansa mula noong mga taóng 2000. Maaaring napababà ng lumakas na tinig sa pangangasiwa ng kanilang mga lokál na pinagkukunang-yamang likás at ekonomiko ang mga hinaing ng mga lokál na pangkat laban sa mga binabansagang pambansang elite sa kabisera ng bansa. Higit na matapang ang ibang bansa sa paninindigan na ang federalismo ay pagiging magkatuwang, hindi pagkakabilanggo. Sa konstitusyon ng Ethiopia, halimbawa, ay sadyang naglagay ng mga probisyon ukol sa separasyon sakaling umabot sa gayon ang mga rehiyon nito.

Back | Proceed to Question 2: Hahantong ba ang federalismo sa lalong pananaig ng mga dinastiyang pampolitika? Lalo kayâng mabilis na dadami ang mga dinastiya sa ilalim ng federalismo? |