5. Paano masusuportahan ng mas mahihirap na estado ang isa’t isa?
Ang iba’t ibang rehiyon sa isang estadong federal ay maaaring magkaroon ng magkakaibang yaman at mga nibél ng kaunlaran. Para sa mas mahihirap na estado na may limitadong pinagkukunan, maaaring magsagawa ang mga federasyon ng paghahati-hati ng kinita o magpatupad ng paglilipat-pondong pamahalaan-sa-pamahalaan. May kinalaman ito sa mga uri ng buwis na nakatakda sa magkakaibang nibél ng pamahalaan (kayâ naitatabi nila ang mga kinita sa ilang buwis at ilang nibél ng pamahalaan), pati na rin sa mga paraan ng paglilipat-pondo mula sa mga kinolekta (o pinagsama-sama) ng sentro ng federasyon patungo sa iba’t ibang rehiyon o estado. Sa maraming federasyon, ang sukdulang layon ay mabigyang-insentibo ang ilang antas ng pagpapatas sa mga kapabilidad ng iba’t ibang rehiyon o estado sa pagpipinansiya at pagkakaloob ng mga pampublikong produkto at serbisyo.
Makatutulong sa pagpapatunay ang isang halimbawa. Sa Germany, ang mas mayamán-yamáng Länder ang nagpopondo sa mga pagbabago sa pagbabayad sa mas mahiráp-hiráp na Länder. Ang pagbabago sa pagbabayad na tinatanggap ng isang mahirap na Länder ay depende sa halaga na, sa gayon, ang kakayahang pampinansiya ng isang mamamayan ay mababa kaysa sa karaniwang kakayahang pampinansiya sa kabuoan ng bansa. Sa gayunding paraan, ang halaga ng pagbabago na dapat ibigay ng isang mayamán-yamáng Länder ay depende rin sa kung gaano lumalampas sa karaniwan ang kakayahang pampinansiya ng isang mamamayan.
Ang paglikha ng mga insentibo upang mapalaki ang lokál na batayang kinikita ang isa sa mga kritikal na prinsipyo sa maraming pormula sa pamamahagi ng mga kinita sa buwis. Kadalasan, upang makahabol, ang mas mahihirap at di-gaanong mauunlad na rehiyon ang gustong suportahan ng mga federasyon—at ginagawa ito sa mga paraang nagsisikap makaiwas sa paglikha ng dependensiya ng mas mahihirap na rehiyon o estado sa mas mayaman-yamang mga rehiyon o estado. Layunin din ito ng isang unitaryong sistema ng pamahalaan, ngunit higit na mapahihintulutan ang ganito ng mga federasyon na sistematikong sinadya para rito.
Pinansin nina Mendoza at Ocampo (2017) na ang karanasan sa desentralisasyon sa Filipinas ay pangkalahatang kinatatampukan ng pagtaas ng piskal na dependensiya ng mas mahihirap na yunit ng pamahalaan sa mga lipat-pondo ng sentral na pamahalaan, na tinatawag na Internal Revenue Allotments o IRA (Mga Alokasyon ng Rentas Internas). Itinala nila ang sumusunod na mga pangunahing depekto sa relasyong sentral-lokál sa pinansiyang pampubliko (ibid., 5):
Una, may nagpapatúloy na malaking di-pagkakaangkop sa pagitan ng kapasidad na tumanggap ng mga LGU at ng kanilang mga pinalawak na responsabilidad. Pinalubha pa ito sa maraming LGU ng pagsasantabi sa mga walang-pondong mandato sa mga LGU. Gayundin, maraming LGU ang nahulog sa patibong dahil ang kanilang di-ganap na nalinang na pinansiyal na kapasidad ay nakapag-aambag sa kanilang dependensiya sa mga paglilipat-pondong pamahalaan-sa-pamahalaan (pangunahin ang internal revenue allotment o IRA). Malamang na nasapawan ng mga paglilipat-pondo ang anumang mga pagsisikap sa pagbuo ng kapasidad at piskal na awtonomiya ... na pagkaraan ay humantong sa ibayo pang dependensiya nitong mga LGU.
Pinansin din nina Mendoza at Ocampo (2017, 38) kung paanong ipinakikita ng internal financing ratio (IFR) (internal na proporsiyon sa pagpipinansiya)—na binibigyang-depinisyon bilang kabuuang kinikita mula sa palagiang pansariling-pinagkukunan na hinahati sa kabuuang gastos para sa operasyon o di-pamumuhunan—kung gaano kahina ang abilidad ng karamihan sa mga LGU sa pagtustos sa nibél ng gastos nila batay sa kanilang palagiang pansariling-pinagkukunan. (Ipinakikita ng mas matataas na halaga ang mas matatag na kaparaanan ng mga LGU sa pagpipinansiya sa sariling gastúsin ng mga ito.) Sa pagsusuri ng mga datos mula nang maipakilala ang Kodigo ng Pamahalaang Lokál ng 1991, naipakita ng mga awtor kung paanong maliit na bilang lamang ng mga probinsiya, siyudad, at munisipalidad ang may IFR na nakahihigit sa 50 porsiyento—5 lamang sa 81 probinsiya (halos 0.6 ng 10), 65 sa 144 siyudad (halos 4 ng 10), at 107 sa 1,485 munisipalidad (halos 0.7 ng 10) ang nakapagkamit ng IFR na mas mataas sa 50 porsiyento noong 2015.
Talahanayan 7. Internal na Proporsiyon sa Pagpipinansiya sa mga Probinsiya

1992 (ng 73) |
1995 (ng 77) |
2000 (ng 77) |
2005 (ng 80) |
2010 (ng 81) |
2015 (ng 81) |
|
>50% | 7 | 2 | 3 | 1 | 8 | 5 |
<50% | 66 | 75 | 74 | 79 | 73 | 76 |
<10% | 18 | 24 | 23 | 34 | 20 | 12 |
Pansinin: Ang mga grupong ipinakita na may <50% at <10% ay hindi ganap na magkabukod.
Batis: Mendoza at Ocampo (2017,38).
Talahanayan 8. Internal na Proporsiyon sa Pagpipinansiya sa mga Siyudad
1992 (ng 60) |
1995 (ng 65) |
2000 (ng 81) |
2005 (ng 117) |
2010 (ng 121) |
2015 (ng 144) |
|
>50% | 17 | 17 | 23 | 34 | 47 | 65 |
<50% | 43 | 48 | 58 | 83 | 74 | 79 |
<10% | 2 | 5 | 4 | 12 | 9 | 8 |
Pansinin: Ang mga grupong ipinakita na may <50% at <10% ay hindi ganap na magkabukod.
Batis: Mendoza at Ocampo (2017, 38).
Talahanayan 9. Internal na Proporsiyon sa Pagpipinansiya sa mga Munisipalidad
1992 (ng 1465) |
1995 (ng 1546) |
2000 (ng 1441) |
2005 (ng 1500) |
2010 (ng 1491) |
2015 (ng 1485) |
|
>50% | 150 | 92 | 70 | 55 | 70 | 107 |
<50% | 1315 | 1454 | 1371 | 1445 | 1421 | 1378 |
<10% | 295 | 592 | 623 | 700 | 681 | 559 |
Pansinin: Ang mga grupong ipinakita na may <50% at <10% ay hindi ganap na magkabukod.
Batis: Mendoza at Ocampo (2017, 38).
Back | Proceed to Question 6: Paano natin mapagbubuti ang IRA sa ilalim ng isang bagong sistemang federal? |