6. Paano natin mapagbubuti ang IRA sa ilalim ng isang bagong sistemang federal?
Ang pagharap sa ilang kabiguan ng desentralisasyon ay nangangailangan ng maingat na rekalibrasyon ng mga piskal na relasyong sentral-lokál tungo sa isang bagong piskal na federalismo para sa bansa. Bagaman di-masinsinan ang mga sumusunod na detalye ukol sa mga kinakailangang repormang pang-ekonomiya at pampolitika, binalangkas nina Mendoza at Ocampo (2017) ang ilang posibleng larangan na mapagtutuunan ng mga reporma upang mabigyang-daan para sa mga LGU ang higit na responsabilidad na kahilera ng pinagbuting paggamit ng mga pinagkukunan.
Upang simulan, malinaw na ipinakikita ng ebidensiyang empiriko kung paanong ang sistemang pamahalaan-sa-pamahalaang paglilipat-pondo ay hindi nagtagumpay sa pagpapasigla ng piskal na awtonomiya. Tumaas sa pangkalahatan ang bilang ng mga yunit ng pamahalaang lokál na umaasa sa mulang sentral patungong lokál na mga paglilipat-pondo. At ipinakikita ng mga padrong empiriko na mukhang nanghihikayat ng dependensiya ang mga paglilipat-pondo sa halip na makapagbuo patungong piskal na awtonomiya.
Kung hahango ng mga pag-unawa mula sa mga nasulat ukol sa pamamahalang may ayudang-banyaga, marahil posibleng makalikha ng alternatibong piskal na kaayusan na magbibigay ng insentibo sa kalibrasyon tungo sa lalong matataas na nibél ng piskal na awtonomiya. Halimbawa, binalangkas ni Collier (2005) ang isang posibleng estratehiya sa pamamahagi ng ayuda, na magsisimula sa pagbibigay ng mga grant sa mga bansang may maliit na kinikita at mahinang pamamahala sa kondisyong magtataguyod ng mga reporma sa pamamahala. Pagkatapos, kapag naisakatuparan na ang mga reporma at bumuti na ang pamamahala (sa pagkakasuri ng Country Policy and Institutional Assessment, isang palatandaang nilinang ng World Bank[1]), maluluwagan ang mga kondisyon at aakyat pataas ang bansa upang magamit ang mga programa sa pautang na konsesyonaryo, at, sa dakong huli, aangat tungo sa pag-akses ng mga internasyonal na merkadong pampinansiya. Sa buong panahon nitong eskema sa kalibradong pagsulong sa pagpipinansiya, inaasahang magagamit ng bansa sa lalong mataas na nibél ang mga palagiang pinagkukunan mula sa internasyonal na komunidad, binibigyan ng insentibo ang pataas na gradwasyon palayô sa mga kondisyonalidad at tungo sa lalong matatag na pamamahala at sa mas malawak na paggamit sa mga pinagkukunan.
Upang maihelera ang mga insentibo tungo sa lalong malaking pananagutan upang maangkupan ang higit na mataas na pag-akses sa mga pinagkukunan, posibleng makapagdisenyo ng isang kahawig na mekanismong pangkalibrasyon para sa mga lokál na pamahalaan. Sa halip na awtomatikong pamahalaan-sa-pamahalaang paglilipat-pondo batay sa mahigpit na pormula tulad ng IRA, ang mga yunit ng lokál na pamahalaan na may mababang kinikita at may trak rekord[2] na ng mahinang pamamahala ay mapagkakalooban ng pagkakataong makagamit ng mga kondisyonal na grant. Maitutuon ang mga kondisyon sa pagharap sa mga kalagayang pampamamahala o pagpapabuti ng mga alokasyon para sa malulubhang hámon ng karalitaan. Gayundin, sa pagsulong ng mga yunit ng pamahalaan sa mas mabuti-buting trak rekord ng pamamahala at sa mas mataas-taas na nibél ng kinikita, mabibigyan sila ng pagkakataong makakuha ng mga di-kondisyonal (o di-gaanong kondisyonal) na grant at mga kaangkop na grant.
Kayâ naman, ang layunin ay makapagkaloob ng higit na pleksibilidad sa pangangasiwa ng mga desisyon ukol sa lokál na pampublikong pinansiya habang ang mga trak rekord sa pamamahala ay higit na tumatatag at habang ang mga reporma ay patúloy na naisasagawa. Sa wakas, ang mga lokál na yunit ng pamahalaan na nakuhang makaabot sa pinakamataas na baitang ng pamamahala at palatandaan ng nibél ng kinikita ay maaari nang magsimula sa paglinang at paggamit ng mga instrumento ng pangungutang, kabilang ang paglinang ng mga posibleng merkado para sa munisipal na bond. Bilang karagdagan sa mga grant na pampuhunan, ang huli ay kritikal na mahalagang pinagkukunan ng pinansiyang pang-impraestruktura sa maraming sistemang federal (Boadway at Shah 2007).
Sa praktika, maididisenyo ang mga mekanismo ng grant sa mga sistemang federal nang may maraming katangian upang mabigyan ng insentibo ang mas mainam na pagtupad ayon sa mga pamantayan ng pagseserbisyo, at upang mapababà rin ang posibilidad na masapawan ang paggamit ng lokál na pinagkukunan. Halimbawa, ang mga grant na batay-sa-nagawa sa lokál na hurisdiksiyon ay madalas na ginagamit upang mahikayat ang kompetisyon at inobasyon, at upang mapagbuti ang pananagutang batay-sa-resulta sa mga mamamayan sa lokál na nibél. Nakalakip ang mga kondisyon sa nagawa (output) sa halip na sa mga ibinunga (outcome) dahil maaaring magsangkot itong ikalawa ng samot-saring salik na wala sa ganap na pagkontrol ng pamahalaang lokál.
Gayundin, maaaring mapabilang sa mga programa sa piskal na pagkakapantay-pantay ang mga kondisyonal ng paglilipat-pondo, ibinubuklod ang oryentasyong pagtupad-tungkulin sa mga layuning ukol sa pagiging patas. Mga halimbawa ang paglilipat-pondo mulang sentral patungong probinsiyal o lokál na pamahalaan para sa edukasyong primarya at transportasyon sa Indonesia, mga grant para sa kada estudyante sa mga paaralan at mga bonus na grant para sa mga paaralan at gurong pinakamahuhusay sa pagtupad ng tungkulin, mga grant para sa mga munisipal na pamahalaan upang matulungan ang mga maralita sa Chile sa pagbabayad ng serbisyo sa tubig at alkantarilya, paglilipat-pondong per kápita sa Colombia at South Africa, at paglilipat-pondo sa mga estado ng Brazil para sa kada estudyante sa edukasyong primarya at sekundarya (Shah 2007).
Makapagdudulot ang lalong mainam na federalismong piskal ng paraan upang matakasan ang tiwaling relasyon na sentro-laylayan na siyang katangian ngayon ng marami sa pinansiyang pampubliko sa bansa. May mahahango sa mayamang karanasang ito sa paglikha ng higit na mabuting arkitektura para sa piskal na federalismo ng Filipinas. Kakailanganin sa ganitong pagbabago ang isang rebisyon ng mahihigpit na pundasyon na nagsisikap tumiyak (ngunit sa di-mabisang paraan) sa piskal na independensiya ng LGU.