1. Ano ang mga kondisyon para magtagumpay ang federalismo?
Sa kabanatang ito, tutukuyin ko at ipaliliwanag ang isang kalipunan ng mga panukalang reporma kaugnay ng paglipat sa federalismo. Kung wala ang mga repormang ito, napipintong mabigo ang nasabing hakbang. Tinatawag kong “isang malakihang pakikipagkasundo” ang kalipunan ng mga repormang ito. Kabilang sa mga repormang ito ang: 1) mga restriksiyong konstitusyonal sa mga dinastiyang pampolitika; 2) paglipat sa dalawahang-ehekutibo o malá-presidensiyal na anyo ng pamahalaan; 3) pagbabawal sa mga politikong nagpapalipat-lipat ng partido; 4) pagpapalakas sa mga partidong pampolitika; 5) paglipat sa proporsiyonal na representasyon; 6) pagpapalakas sa mga pangkat konstitusyonal sa mga rehiyon lalo na sa serbisyo sibil at awditoriya; 7) pagbabawas sa duplikasyon ng mga gawain sa Senado at sa Kamara ng mga Kinatawan; at 8) mga repormang hudisyal kabilang ang pagpapalakas sa Sandiganbayan, mga korte sa paghahabol, at Ombudsman sa mga rehiyonal na nibél. Inihahayag ng kalipunan ng mga repormang ito na sa paglilipat ng higit na maraming kapangyarihan sa mga rehiyon ay hindi sapat ang kapu-kapurit lamang na pagbabago sa Kodigo ng Pamahalaang Lokál.
Mulang mga Dinastiyang Pampolitika patungong mga Partidong Pampolitika
Isa sa mga pangunahing pinangangambahan tungkol sa federalismo ang sinasabing mapananatili lamang nito ang mga dinastiyang pampolitika kapag nailipat sa mga rehiyon ang maraming mahalagang kapangyarihan. Gayunman, hindi pare-pareho ang lahat ng mga dinastiyang pampolitika. Ang ilan ay higit na nakapag-aambag para sa kapakanan ng publiko kaysa sa iba. Ang ilang dinastiyang pampolitika ay may matabâng buntot—ang marami sa mga miyembro ng pamilya ay magkakapanabay na nakapuwesto sa kapangyarihan—samantalang payat ang buntot ng iba. Hindi masisisi ang mga dinastiyang pampolitika mismo. Nagsimula ang proliperasyon at katatagan ng mga dinastiyang pampolitika, sa pangkalahatan, dahil sa kabiguan ng Konstitusyong 1987 na magpasá ng isang mapagtakdang probisyon na nagreregula sa nasabing mga dinastiya. Dapat maiwasto ang pagkakamaling ito. Kailangan natin ng isang mapagtakdang probisyong konstitusyonal na nagreregula sa mga dinastiyang pampolitika; kung wala ito, ang paglilipat ng mas maraming kapangyarihan sa mga rehiyon ay nasa panganib na mabihag-pampolitika.
Ngunit bakit kailangang maregula ang mga dinastiyang pampolitika? Bakit hindi na lamang hayaang magpasiya ang mga botante? May problema sa ganitong argumento. Una, nagpapasiya ang mga botante batay sa kung ano ang kanilang mapagpipilian. Kung ang mga tanging opsiyon ay mga pamilyar na pangalan ng mga dinastiyang pampolitika, hindi na nakapagtatakang ang pipiliin nila ay ang mga kandidatong pinakagusto nila. Walang mga insentibo para ibahin ng mga kandidato ang kanilang sarili batay sa mga patakaran at programa. Ang solusyon dito ay ang bigyan ang mga botante ng mga mapagpipilian batay sa mga patakaran at programa at hindi lamang mga pamilyar na pangalan. Sa ganitong paraan, mapananagot nila ang mga partidong pampolitika. Sa ngayon, hindi mapananagot ang mga politiko sa kanilang mga nabigong pangako, dahil hindi malinaw ang kanilang mga posisyong pampatakaran. Sa ganito, kailangan nating lumipat mula sa eleksiyong batay sa mga personalidad tungo sa isang batay sa mga partidong pampolitika na may mga bukod-tanging patakaran at programa. Dahil dito, kailangan nating patatagin ang ating sistema ng partidong pampolitika.
Pagpapalakas sa mga partidong pampolitika
Nakadepende ang pinakamatatagumpay na sistemang federal sa mundo sa malalakas na partidong pampolitika, at hindi sa mga pamilya o personalidad. Upang magkaroon ng malakas na partidong pampolitika, kailangan nating: 1) semi-presidensiyal na anyo ng pamahalaan; 2) ipagbawal ang palipat-lipat ng mga partido o mga balimbing; 3) magbigay ng mga suportang pinansiyal ng estado sa mga partidong pampolitika, tulad ng ginagawa sa Europe; 4) siguruhin ang disiplina ng partido, tulad ng ginagawa sa lahat ng sistemang parlamentaryo. Ang nangyari sa mga pagdinig sa kumpirmasyon ng mga itinalaga ni Presidente Duterte—Gina Lopez, Rafael Mariano, at Judy Taguiwalo—ay mga halimbawang nangangaral. Bumot laban sa kanila ang mga miyembro ng naghaharing koalisyon, samantalang ang mga miyembro ng oposisyon ay sumuporta sa kanila.
Semi-Presidensiyal na Anyo ng Pamahalaan
Kung lilipat tayo sa isang federal na estruktura, bakit higit na mainam ang isang semi-presidensiyal na anyo ng pamahalaan kaysa sa isang purong presidensiyal o sistemang parlamentaryo?
Pinakapamilyar sa mga Filipino ang presidensiyal na sistema ng pamahalaan. Binabawasan nito ang mga walang-katiyakan sa transisyon patungong federalismo. Ang pinakabentaha nito ay ang sobrang-sentralisasyon ng mga kapangyarihan, tulad ng mayroon tayo ngayon. Makikita ito sa kahirapang mapatalsik ang pangulo kapag naging tiwali siya o mapang-abuso, at ang potensiyal na di-pakikipagkasundo sa parlamento. Bahagyang nalutas ang problema sa di-pakikipagkasundo ng mekanismong pork barrel at sistemang patronato sa mga pamahalaang lokál.
Higit na may matagumpay na naisasakatuparan ang isang sistemang parlamentaryo ng pamahalaan Walang problema sa di-pagkakasundo at walang-pondong mandato dahil nagmumula sa parlamento ang mga miyembro ng gabinete. May malalakas din itong mekanismo ng pananagutan sa pamamagitan ng isang botong walang-kumpiyansa at oras ng pagtatanong. Tunay na ang maraming sistemang federal sa mundo ay may mga pamahalaang parlamentaryo—maliban, halimbawa, ang US, Russia, at Mexico, na may mga presidenteng popular na nahalal. Kabilang sa mga desbentaha nito ang mga sumusunod: 1) sumasandig ang malalakas na parlamento sa malalakas na partidong pampolitika, na wala tayo sa ngayon; 2) malamang-lamang, sa mga unang taon ng transisyon sa federalismo, magkakaroon ng proliperasyon ng mga partidong pampolitika na may mga linyang rehiyonal, etniko, at ideolohiko. Kung gayon, maaaring ang mga parlamento ay maging mabuway o pabago-bago, lalo na kapag ang partidong naghahari ay binubuo ng isang koalisyon ng mga partido. Ang resulta, maaaring magkaroon tayo ng isang mahina at pabago-bagong naghaharing pamahalaan. Pinagsasama-sama ng isang semi-presidensiyal na anyo ng pamahalaan ang mga pagsang-ayon at pagtutol ng mga sistemang presidensiyal at parlamentaryo. Sa tingin ko, ito ang pinakamainam na sistema, kung lilipat tayo sa isang federal na anyo ng pamahalaan. Hayaang ipaliwanag ko kung bakit. Una, ang transisyon patungong federalismo ay magiging mapaghamón at kayâ naman, isang parikala, kakailanganin natin ang isang malakas na pambansang pamumunò. Magkakaroon ng mga likas na pagtutol mula sa mga pambansang ahensiya ng pamahalaan, na mawawalan ng lahat nilang kapangyarihan at badyet. May pangangailangang palakasin ang mga kapasidad ng mga rehiyon—ang panggitnang pamahalaan—upang mahawakan ang nasabing mga kapangyarihan. Magkakaroon ng maraming usaping pang-implementasyon na dapat lutasin. Isang mapagpasiyang presidente ang kailangan upang masiguro ang isang matagumpay na transisyon patungong federalismo.
Ikalawa, higit na mabuting magkaroon ng isang kolektibong pamumunò na higit na maraming kabayo ang sama-samang humihila sa kalesa—ang Presidente, Punòng Ministro, ang Gabinete, mga Rehiyonal na Gobernador, at mga lokál na pamahalaan—kung ihahambing sa kasalukuyang sistemang presidensiyal na sobrang sentralisado. Ang kolektibo at kohesibong pamumunò ay subók nang mabisang pagkakasaayos para sa mabilis na paglago ng mga labis na desentralisadong umuunlad na bansa, tulad ng Vietnam at China. Ang dalawang bansang ito ay parehong may Presidente na pinunò ng estado, na siyang nangangalaga sa pambansang seguridad at ugnayang panlabas; isang Punòng Ministro at Gabinete, na siyang nangangalaga patakarang pang-ekonomiya at panlipunan; at mga gobernador, na nagpapatupad ng mga patakaran sa kani-kanilang lugar.
Ikatlo, kinakailangan ang isang mapagpasiya at matatag na pamumunò sa pagharap sa maraming nangingibabaw na usapin sa pambansang seguridad na dinaranas ng bansa at patúloy na daranasin sa mga darating na taon—ang digmaan sa droga, terorismo, at mga relasyong US-China. Walang katiyakan na ang isang Punòng Ministro, kahit sa panahon man lamang ng transisyon, ay makapamumunò sa paraang mapagpasiya at matatag. Palagiang dapat na umasa ang Punòng Ministro sa suporta ng mayorya sa parlamento, na ang bawat isa ay kumakatawan sa mga makapangyarihang paksiyon. Sa ganitong kalagayan, madaling mapahihina ang isang Punòng Ministro ng paksiyon na sila-sila ang nag-aaway. Nababalanse ng isang semi-presidensiyal na anyo ng pamahalaan ang pagiging mapagpasiya ng isang presidensiya at ang pananagutan ng isang sistemang parlamentaryo.
Ikaapat, kinakailangan ang isang presidente sa paglutas sa mga di-pagkakasundo at kawalang-katatagang iniuugnay sa mga sistemang parlamentayo, lalo na sa isang panahon ng transisyon na lubhang mahina ang mga partidong pampolitika. Mapanganib ang biglaang paglipat sa isang purong sistemang parlamentaryo nang walang mapagbalanse at pamilyar na mapanghahawakan. Ito ang naging karanasan ng maraming bansa na biglang-lundag mulang sistemang presidensiyal papuntang parlamentaryo. Sa paglaon, kapag tumatag na ang ating sistemang parlamentaryo, makalilipat na tayo sa isang ganap na sistemang parlamentaryo. Sa katunayan, marami sa mga federal na anyo ng pamahalaan ang ibinsatay sa mga sistemang parlamentaryo.
Proporsiyonal na representasyon
Upang maging epektibo ang isang semi-parlamentaryong anyo ng pamahalaan, kailangan itong maging matatag. Upang mangyari ang ganito, ang namumunò partido ay dapat magkaroon ng isang panatag na mayorya sa parlamento. Ideal na dapat magkaroon ng kakaunting pambansang partido—tulad ng ibang bansang federal gaya ng US, India, Russia, Germany, Malaysia, Australia, at iba pa.
Maaari rin tayong matuto sa mga demokrasyang parlamentaryo tulad ng Japan. Bago mag-1990, nasa 50 porsiyento ng lahat ng mga halál na posisyon sa House of Representatives (HoR) (Kamara ng mga Kinatawan) ng Japan ay kontrolado ng mga dinastiyang pampolitika. Ngayon, nasa 10 porsiyento. Noong dekada 90, pangunahing nakabase ang mga eleksiyon sa mga personalidad sa halip na mga usapin. Ngayon, higit na nakabatay ang mga eleksiyon sa mga plataporma ng partidong pampolitika. Naging sentro ng politikang Japanese ang mga partidong pampolitika at pumipili ang mga botante batay sa mga patakaran sa halip na mga personalidad.
Ano ang ginawa nila? Sa kalagitnaan ng dekada 90, ipinakilala nila ang isang uri ng proporsiyonal na sistema ng representasyon na tinatawag na metodong mixed-member-majoritarian (MMM) (magkakahalong miyembrong mayorya) sa pagboto na may dalawahang kandidatura. Bago ito, gumagamit sila ng single non-transferable voting (SNTV) (isahang di-naililipat na pagboto). Ang layunin nila ay makalipat mula sa kompetisyong batay sa patronato/personalidad papunta sa kompetisyong dalawahang-partido, pangangampanyang nakasentro sa partido, at sentralisasyon ng partido.
Sa MMM, may dalawang boto ang mga botante. Ang isa ay para sa single member district (SMD) (distritong may isang miyembro), tulad ng mayroon tayo ngayon, at ang isa pang boto ay para sa isang partidong pampolitika na may dalawahang kandidatura (i.e., puwede kang mainomina sa dalawa—sa SMD at bilang kinatawan ng partido). Kalahati ng lahat ng puwesto sa HoR ay nakalaan sa SMD at ang isa pang kalahati ay sa bukás na listahan. Pinipili ng mga lider ng partido ang mga kandidato.
Dalawampung taon pagkatapos ng repormang ito, ipinakikita ng mga pag-aaral na: 1) nakamit ang mga layuning dalawahang-partidong kompetisyon, pangangampanyang nakasentro sa partido, at sentralisasyon ng partido; 2) nananatiling malakas ang mga patronato/paksiyon, ngunit naidirekta ang epekto ng mga ito sa politikang panloob ng partido; 3) nagbigay-daan para sa mas masaklaw na pambansang kalakal pampubliko ang mga patakarang nakatuon sa mga parokyano; at 4) nagdulot ng bentaha sa kasalukuyang nakapuwesto ang dalawahang kandidatura. Kahit pagkaraan ng animnapung taon sa kapangyarihan, nakakuha lamang ang LDP ng 3.2 porsiyento ng mga botante sa distrito para magmiyembro sa partido.
Bukod sa MMM, may iba pang mga posibleng mekanismo sa paglilipat-tuon ng mga interes ng mga dinastiyang pampolitika. Halimbawa, ang mga epekto ng mga dinastiyang pampolitika ay malamáng na lumubha sa mga rehiyong maralita/rural, ngunit hindi sa mga urbanisadong lugar (sanhi marahil ng gitnang-uri). Alam din natin na ang mga dinastiyang pampolitika ay naoorganisa sa mga probinsiya, siyudad, at munisipalidad.
Kung gayon, kung mayroon tayong isang rehiyonal na gobernador na inihalal ng kalahatan ng mga botante sa mga probinsiya, siyudad, at rural na pook (at maging ng mga OFW), mababawasan ang mga bentaha ng kasalukuyang nakapuwestong mga dinastiyang pampolitika sa rehiyonal na nibél. Kayâ nga lamang, ang maliliit na probinsiya ay bakâ malamangán ng malalaki sa umpisa (Bohol vs. Cebu, Aurora vs. Nueva Ecija, Pangasinan vs. Ilocos Sur, atbp. sa ilalim ng kasalukuyang kaayusan). Gayunman, laging maaaring makipagsanib ang mga pinunò ng maliliit na probinsiya, at maaaring maging sapat ang laki upang magkaroon ng mas malakas na kapangyarihang makipagkasundo.
Ano na ngayon ang mangyayari sa mga party-list (listang partido)? Sa ilalim ng sistemang proporsiyonal sa pagboto, alinsunod sa modelong Japanese, ang kasalukuyang mga party-list ay ituturing na tulad ng ibang partidong pampolitika. Sa halip na tatatlo ang pinakamaraming puwestong makukuha, maaaring makipagkompetensiya ang mga party-list sa kahit ilang puwestong káya nila, bilang proporsiyon ng kabuuang dami ng botong tinanggap nila hanggang sa pinakamaraming 40 porsiyento ng kabuuang dami ng puwesto sa Kamara ng mga Kinatawan. Makatutulong ang pagregula sa mga dinastiyang pampolitika sa pagtiyak na makalalahok din sa kompetensiya ang maliliit na partidong pampolitika sa mga rehiyon.
Pagpapalakas ng Pamamahala sa mga Rehiyon
May dalawa pang mahalagang alalahanin ng mga kritiko at tagapagpasimuno ng federalismo na dapat mapagtuunang-pansin. Ang una ay ang suliranin sa mga di-pantay na administratibong kapasidad sa mga rehiyon—may mga rehiyong malakas, at may mahihina. Ang ikalawa ay ang problema sa desentralisadong katiwalian na maaaring ibunga ng paglilipat ng maraming mahalagang kapangyarihan sa mga rehiyon. Ang solusyon dito ay ang katumbas na pagpapalakas ng kapangyarihan at kapasidad sa mga konstitusyonal na tagapagbantay, tulad ng Commission on Audit (Komisyon sa Awditoriya) at Civil Service Commission (Komisyon sa Serbisyo Sibil), upang maiwasan ang mga pag-abuso sa kapangyarihan. Marami pa rin ang dapat gawin upang mapagbuti ang pamamahala sa mga lokál na yunit ng pamahalaan habang pinagkakalooban ang mga ito ng higit na maraming kapangyarihan at pananagutan.
Isang paraan sa pagtiyak na magkakaroon ng mga kapabilidad na proporsiyonal sa paglilipat ng mahahalagang kapangyarihan at badyet ang mga pamahalaang rehiyonal ay ang paglilipat ng mga umiiral na ahensiyang pampamahalaang rehiyonal sa kontrol ng isang rehiyonal na gobernador. Sa kasalukuyan, ay nananagot sa kanilang mga punòng tanggapan sa Maynila at halos walang impluwensiya sa kanila ang mga gobernador ng probinsiya. Ang kapasidad ng panggitnang-pamahalaan—ang rehiyonal na pamahalaan—ay dapat ding lubos na mapalakas. Ang totoo, nauugnay sa isang malakas na serbisyo sibil ang matatagumpay ng sistemang parlamentaryo.
Maraming mahalagang kainaman ang ganitong kaayusan. Una sa lahat, hindi na kailangang lumikha pa ng isang bagong susón ng burokrasya at kayâ walang karagdagang gastos para sa mga taúhan. Ikalawa, ang mga direktor ng mga ahensiyang ito ay patúloy na mag-uulat sa kanilang mga dating punòng tanggapan para sa koordinasyon ng mga pamantayang teknikal at implementasyong pampatakaran. Ang tawag sa ganitong kaayusan ay dual reporting system (sistema ng dalawahang pag-uulat), nahahawig sa kaayusan ng mga kawaning administratibo ng India. Ikatlo, ang mga rehiyonal na tagapagserbisyo sibil ay sasailalim sa iisang pambansang pamantayan sa propesyonal na kalipikasyon upang masiguro ang pagkakapare-pareho ng mga kalipikasyon sa buong bansa. Mananatili ang katangiang pambansa ng serbisyo sibil.
Bukod sa pagpapalakas sa rehiyonal na serbisyo sibil, kinakailangan ding palakasin ang komisyon sa auditoriya, ang mga espesyal na hukuman tulad ng Sandiganbayan, at ang Ombudsman sa mga rehiyonal na nibél. Ang layunin ay ang masiguro na epektibong mapananagot ng mga ahensiyang ito ang mga rehiyonal at lokál na pamahalaan at mapawi ang mga pangamba ukol sa pag-abuso ng kapangyarihan at desentralisadong katiwalian.
Kongklusyon
Bilang kongklusyon, upang magtagumpay ang federalismo, kailangan natin ang isang malakihang pakikipagkasundo, isang kalipunan ng mga repormang pampolitika, panghalalan, at pang-administrasyon na nagpapatibay sa isa’t isa. Hindi sapat ang kakapurit na pagbabago sa kodigo ng pamahalaang lokál. Kung gagawin ang gayon nang wala ang kalipunan ng mga repormang nabanggit, magiging mapanganib at mauuwi lamang ang lahat sa kabiguan.

Back |