4. Paano naman ang kapangyarihan ng mga lungsod? Dapat bang magkaroon ng mas maraming nagsasariling siyudad sa ilalim ng federalismo? Ano ang relasyon ng mga pamahalaang rehiyonal sa mga siyudad?
Patúloy na tatamasahin ng mga siyudad ang mga kapangyarihan at gampaning itinatadhana ng Kodigo ng Pamahalaang Lokál. Ang mga lubhang urbanisadong siyudad at ang mga siyudad na komponent (bahagi ng isang probinsiya) na nagsasarili ay mapapasailalim ngayon sa superbisyón ng pamahalaang rehiyonal, samantalang ang mga siyudad na komponent na di-nagsasarili ay patúloy na mapapasailalim sa superbisyón ng mga probinsiya. Isasakatuparan ng Pamahalaang Rehiyonal ang pangkalahatang pangangasiwa sa mga LGU na nasa hurisdiksiyon nito upang masiguro na ang ginagawa ng mga ito ay nasa saklaw ng kanilang mga kapangyarihan at gampanin, at ang mga batas ay nasusunod at matapat na naipatutupad. Dáting nakatalaga ang gayong kapangyarihan sa Presidente sa ilalim ng isang unitaryong presidensiyal na sistema ng pamahalaan.
Back | Proceed to Question 5: Aling gampánin ng pambansang pamahalaan ang madedesentralisa? Aling tungkulin ang mananatili at bakit? |