6. Paano isasagawa ang mga pambansang eleksiyon?
Sa ilalim ng semi-presidensiyal na sistemang federal ng pamahalaan, tanging ang Presidente ang ihahalal nang pangmalawakan sa pamamagitan ng isang pambansang eleksiyon. Rehiyon na ang maghahalal sa mga miyembro ng Senado. Ang mga miyembro ng Pambansang Asamblea (Parlamento) ay iboboto ng mga isahang-miyembrong distrito at sa isang sistema ng proporsiyonal na representasyon, na isang pagpapahusay sa kasalukuyang sistemang party-list.
Ipinanunukala na tanggalin ang posisyong Bise Presidente, sapagkat walang pangangailangan sa tanggapang ito sa ipinapanukalang modelo. Gayunman, mapananatili ang posisyong ito kung gugustuhin ng sambayanang Filipino. Kung pananatilihin ang posisyong Bise Presidente, kakailanganing ipasok ang mga sumusunod na pagbabago: (i) sa eleksiyon, ang boto para sa Presidente ay boto rin para sa Bise Presidente na kasama niya sa tiket, at (ii) ang Bise Presidente ang magiging opisyal na mangungúlo sa Senado.
Kahit walang Bise Presidente, walang magiging usapin sa pagpili ng kasunod. Kung sakaling mabakante ang Presidensiya, ang Punòng Ministro ang magiging pansamantalang presidente at siyang mangangasiwa sa halalan para sa susunod na presidente. Kung mawalan din ng kakayahan ang Punòng Ministro, ang itinalagang “Ministro Mayór” ang hahalili hanggang sa makapaghalal ng bagong Punòng Ministro ang Kamara ng mga Kinatawan/Pambansang Asamblea.

Back | Proceed to Question 7: Sino ang mangangasiwa sa konserbasyon at preserbasyon ng mga materyal at di-materyal na pamanang yaman at ari-arian? |