8. Nakapaloob ba nang buong-buo ang Bangsamoro Basic Law (BBL) (Batayang Batas Bangsamoro) sa federalismo?
Sanhi ng maraming kahinaang Konstitusyonal, insidente sa Mamasapano, at iba pang mga salik, hindi naipasá ang BBL sa nakaraang administrasyon. Bumuo si Presidente Duterte ng isang Expanded Bangsamoro Transition Commission (Komisyon sa Pinalawak na Transisyong Bangsamoro) na nagbalangkas ng isang bagong Batayang Batas Bangsamoro na naghihintay pa ngayong pagpasiyahan sa Kongreso. Parehong nangako ang mga pinunò ng Senado at Kongreso na pabibilisin ang pagpapatibay ng bagong BBL upang matugon ang hinaing ng sambayanang Bangsamoro para sa isang tunay na awtonomiyang pampolitika sa Muslim na Mindanaw.
Mahalagang mapagtibay ng Kongreso ang isang BBL na tumatalima sa kasalukuyang Konstitusyon upang makalampas sa hudisyal na panunuri. Kung may mga probisyon sa Comprehensive Agreement on Bangsamoro (CAB) (Masaklaw na Kasunduan ukol sa Bangsamoro) na hindi maipapasok sa bagong BBL sanhi ng mga limitasyong konstitusyonal, maaaring ipasok ang mga ito sa panukalang Konstitusyon ng Federal na Republika ng Filipinas. Kung gayon, makagagawa tayo ng dalawang hakbang na proseso rito: una, kailangang agad na mapagtibay ng Kongreso ang BBL upang masimulan ang pagpapatupad ng CAB, at ikalawa, isama sa ilalim ng federalismo ang iba pang mga probisyon na hindi makapapasá sa ilalim ng unitaryong sistema ng pamahalaan. Sa PDP Laban Model of PH Federalism, inirerekomenda na pagtibayin natin ang isang asimétrikong tipo ng federalismo upang mabigyang-daan ang mga nilagdaang kasunduang pangkapayapaan sa iba’t ibang larangang Moro.

Back | Proceed to Question 9: Ano ang mga posibleng dibisyong pampolitika ng bansa sa ilalim ng isang sistemang federal? Ano ang mga salik na makagagabay sa pagbuo ng mga dibisyong ito? |