8. “Kung federalismo ang tugon, ano ba ang tanong?”
Sa pagtupad ng isang prosesong bunsod-ng-problema ng repormang pampolitika, tulad ng naipaliwanag na, dapat munang tukuyin ang pangunahing pambansang suliranin na dapat harapin at sakâ tiyakin ang mga angkop na paraan upang malutas ang mga ito. Hindi sapat na igiit ang solusyon (“federalismo!”) at sakâ lamang pabalik na pangatwiranan.
Sa ganitong paraan, magsaalang-alang tayo ng apat na halimbawang tanong:
1. Ang imposisyon ba ng isang sistema ng simetrikong federalismo para sa buong kapuluan ay magtataguyod ng kapayapaan sa Mindanaw?
Mahirap maunawaan kung paano ito makapagtataguyod ng kapayapaan, lalo na at inaagaw nito ang pansin sa mga espesipikong alalahanin sa prosesong pangkapayapaan sa Mindanaw. Alinsunod sa diwa ng Konstitusyong 1987, bakit hindi na lamang ipagpatuloy ang pagsasaayos ng mga asimetrikong kasunduan na makatutugon sa mga historikong kawalang-katarungan na dinanas sa mga lubhang hayag na paraan ng Bangsamoro?
2. Rerendahan ba ng federalismo ang mga malaganap na praktika ng padrino na nagpapababa sa kalidad ng demokrasyang Filipino?
Kasaysayan ang magpapatotoo na ang pagtatatag ng isang bagong larang ng kontensiyong panghalalan ay makalilikha ng isang bagong gagalawan ng politikang padrino—sa halalan man ng mga gobernador noong 1902 o sa eleksiyon ng mga opisyal ng baryo/barangay mula noong dekada 1950. Bakit dapat nating asahan na maiiba ang likhang bagong larangan ng kompetisyong elektoral sa mga rehiyong federal sa siglo 21? Isang napakaligtas na prediksiyon ang sabihing ang “mapagpanggitnang-nibél” na federalismo ay makalilikha ng isang bagong larangan ng politikang-padrino sa mga rehiyonal na estado, at kayâ lalong mapalálalâ sa halip na marendahan ang praktika ng politikang-padrino sa Filipinas.
Kung ang layunin ay rendahan ang padrino, higit na magkakaroon ng saysay kung magtutuon ng pansin sa pagbabagong-disenyo ng mga sistemang panghalalan. Sa di-sinasadyang paraan, ang mga bumuo ng Konstitusyong 1987 ay nakapaglagay ng isang kalipunan ng mga sistemang elektoral na garantisadong palagiang makapagpapahina sa mga partidong pampolitika. Kung pag-iisipang mabuti bago gawin (e.g., sa pamamagitan ng parsiyal na introduksiyon ng isang saradong-listahang sistema ng proporsiyonal na representasyon), ang pagbabagong-disenyo ng sistemang elektoral ay may kapasidad na rendahan ang politikang-padrino at itaguyod ang paglinang ng malalakas na partidong pampolitika sa mga pambansa at lokál na nibél. At, tulad ng nabigyang-pansin na, ang pagbabagong-disenyo ng sistemang elektoral ay may kainaman ding makasanhi ng pangunahing repormang pampolitika na may mas mababang panganib ng di-sinasadyang kahihinatnan.
3. Mapahihina ba ng federalismo ang oligarkiya at mapaghuhusay ba ang mga pangmatagalang inaasahang pag-unlad sa paraang kapaki-pakinabang sa buong populasyon?
Sadyang kagila-gilalas na sinuman ay magtatangkang magpanukala ng federalismo bilang isang solusyon sa problema ng makapangyarihang oligarkiya (na mahigit nang isang siglo ngayon, lumitaw sa maagang bahagi ng kolonyal na panahon ng Americano). Kung isasailalim ang oligarkiya sa pagkontrol, ang unang hakbang ay ang pagpapatatag sa kapasidad ng sentral na pamahalaan na magtaguyod ng kompetisyon sa merkado at rendahan ang mga dominanteng kartel at ang mga duopolyo na humahadlang sa ingklusibong paglago. Ang gayon kadakilang tungkulin ay lalampas sa kapasidad ng isang hanay ng mga nangangapa pang estadong rehiyonal na naghihirap sa pagdudulot ng mga batayang serbisyo sa subnasyonal na nibél. Dahil gumagalaw ang oligarkiya sa pambansang nibél, ang solusyon sa problema sa dominansiya ng oligarkiya ay dapat ding nasa nibél na pambansa. Magiging kahingian nito ang mapalitan ang mga padron ng mga kaptura ng elite (e.g., mga kinatawan ng makapangyarihang magkakaibang magkakasosyong pamilya na kumokontrol sa mga ahensiya ng pamahalaan na ang tungkulin ay magregula sa mismong mga sektor na ang nasabing mga magkakasosyo ay may malaking papel nang ginagampanan) ng higit na produktibong mga paraan ng mga relasyong pamahalaan-negosyo. Kung rerendahan ang kapangyarihan ng oligarkiya, kailangang linangin ng sentral na pamahalaan ang regulatoryong kapasidad na umaksiyon (pana-panahon man lamang) bilang isang katapat na kontra-puwersa sa makapangyarihang magkakaibang pamilya na magkakasosyo.
4. Makatutulong ba ang federalismo sa pagresolba sa malaon nang problemang rehiyonal na di-pagkakapantay-pantay?
May marapat na katapat ang tanong na ito: ano ang magiging batayan para sa gayong inaasahan sa federalismo? Ang paglipat sa federalismo, tulad ng naipaliwanag na, ay kinasasangkutan ng isang pundamental na reporma ng mga estrukturang administratibo at pampolitika. Nananatili pa rin ang mga salalayang mga realidad ekonomiko, at isang kathang-isip na imungkahi na ang pagpapasok ng federalismo ay mahimalang makabubura sa katotohanan na tatlo sa mga umiiral na administratibong rehiyon sa Filipinas ang sumasaklaw sa halos dalawang-katlo ng pambansang ekonomiya.
Sa maraming sistemang federal, kabilang ang mahigit sa dalawang siglo nang sistemang federal ng Estados Unidos, nagpapatuloy ang mga rehiyonal na di-pagkakapantay-pantay at humahantong sa malalaking pagkakaiba sa kalidad ng edukasyon at pangangalaga sa kalusugan na tinatamasa ng mga mamamayan sa kalahatan ng mga estadong federal (isaalang-alang, halimbawa, ang Minnesota at ang Mississippi). Ang iba pang sistemang federal, dapat ding bigyang-pansin, ay mahusay namang nabawasan ang mga rehiyonal na di-pagkakapantay-pantay.
Gayundin naman, maraming sistemang unitaryo (kabilang ang Japan) ang makasaysayang nakagawa ng kahanga-hangang progreso sa pagresolba ng mga problema sa rehiyonal na di-pagkakapantay-pantay. Ang ibang unitaryong sistema ay hindi nagawang mabawasan ang rehiyonal na di-pagkakapantay-pantay.
Malinaw ang dapat maging pokus ay ang mga patakarang inilagay upang tugunan ang mga di-pagkakapantay-pantay, at ang kapasidad ng mga estado na ipatupad ang gayong mga patakaran, sa halip na sa mas malawak na tipo ng sistemang teritoryal, maging federal man o unitaryo.
Sa loob ng umiiral na unitaryong sistema ng Filipinas, ang isa pang posibleng solusyon sa problema ng mga rehiyonal na di-pagkakapantay-pantay ay ang pagtiyak na ang pambansang pamahalaan ay gaganap ng higit na proaktibong papel sa pangangalaga sa (deskonsentradong) rehiyonal na burokrasya sa kalahatang 17 administratibong rehiyon. Maaaring mapabilang dito ang pagsisikap na maitaguyod ang batayang minimal na pamantayan ng pagdudulot ng serbisyo sa lahat ng rehiyon, pagbibigay-kapangyarihan sa mga Rehiyonal na Konsehong Pangkaunlaran, at pagsasaayos sa kasalukuyang despalinghadong proseso ng pagpaplanong rehiyonal. Maaaring ang maging layunin ay ang pagtiyak na susuporta ang mga rehiyong administratibo sa lokál na awtonomiya, dahil ang mga ito ang kritikal na nexus (tagapag-ugnay) sa pambansang pamahalaan at sa mga lokál na yunit ng pamahalaan.
Anupaman ang kahinatnan ng kasalukuyang pagsusulong para sa federalismo, mahalagang bagay na mapalakas ang mga rehiyon. Kapag natuloy ang federalismo, kahit paano, bahagyang mapatataas ang posibilidad na magtagumpay ito (sa kabila ng napakarami pang nananatiling panganib) ng matatatag na rehiyong umiiral.[1] Kung, sa wakas, hindi matuloy ang federalismo, ang pag-iral ng mga malakas na administratibong rehiyon ay magkakaroon ng malaking positibong bisà sa pagsusulong ng mga pambansang layuning pangkaunlaran at lokál na awtonomiya.
Ang pinakamahalaga sa ngayon, ang Filipinas ay nasa gitna ng isang malaking pagdedesisyon na makaaapekto nang malaki sa mga maaaring mangyari rito sa mga susunod na dekada. Bagaman marami ang matinding nananalig na federalismo ang solusyon sa mga problema ng bansa, mahalagang ang nasabing pananalig ay masuportahan ng mga pagsusuring historiko at komparatibo. Ang dapat na maging pinakasimula ay ang pagkilala sa mga pangunahing problema na dapat harapin, susundan ng isang batay-sa-ebidensiyang proseso ng paghahanap ng pinakamainam na solusyon sa nasabing mga problema. Walang madaliang lunas, at kung walang angkop na pundasyong institusyonal, madaling mauulit din lamang ang mga kabiguan at kalungkutan sa kasalukuyang unitaryong sistema—kung hindi man lalo pang lumubha—sa paglipat patungo sa isang federal na Filipinas.