Child Development Center... My Place To Be
There’s no place like CDC. It is my place to be!
Twelve years din ang ipinamalagi ko sa Child Development Center ng Ateneo Grade School at ipinagmamalaki ko iyon. Lubhang nakaka-miss ang pinagmulan kong opisina! Dito ako umani ng maraming kaibigan mula sa mga naging boss ko na sina Sir Jonny Salvador, Ma’am Ane Ortilla at Ma’am Mac Ignacio, mga counselors na nakasama ko at mga co-staff na sina Tita Lucy Orencio (retiree), Tita Minda Villa (retiree) at Ate Annie Grafilo. Hindi lang ka-opisina ang turing ko sa kanila kundi naging nanay at ate ko na rin sila hanggang sa ngayon.
Sa araw-araw na pakikisalamuha ko sa mga magulang, mga guro at mga estudyante kapag sila ay nagpupunta sa CDC, ngiti at maayos na serbisyo ang aking ibinabahagi. Nakaka-miss ang mga estudyanteng makukulit, maiingay at masayahin! Kapag wala pa silang sundo ay sa CDC sila tumatambay para maglaro ng boardgames o di kaya ay makipagkwentuhan sa kanilang counselor. Kung minsan naman ay ako ang kanilang kinukulit at nakikipagkwentuhan sila sa akin ng puro katatawanan.
Iyan ang CDC -- ang opisina at ang tahanan ko kung saan ang mga kasamahan ko ay naging kapamilya ko na magpakailanman.
Si Gng. Cindy Datul kasama ang ilan sa kanyang mga ka-opisina sa CDC. Larawan mula kay Gng. Datul.
-------
Si Gng. Cindy Datul ay office staff at secretary ng Academic Coordinator sa Ateneo Grade Schol. Labingsiyam na taon na siyang masayang nagsisilbi sa komunidad ng Ateneo.