3. Hahantong kayâ ang federalismo sa higit na katiwalian ng mga lokál na opisyal tulad ng nangyari sa ARMM noong dekada 90?
Muli, walang sistematikong ebidensiya na nagsasabing may kaugnayan ang mga sistemang federal sa maliit o malaki mang katiwalian. Kung nakapagtuturo ang mga karanasan sa desentralisasyon, nakapagdulot ang mga ito ng magkakahalòng resulta kung pamamahala at kontra-katiwalian ang pag-uusapan. Sa Indonesia, halimbawa, nasaksihan ng desentralisasyon ang pag-usbong ng mga popular na bagong pinunò tulad ni Joko Widodo sa isang dako pati na ang mga angkang pampolitika na palagiang-nakapuwesto sa kabila. Kontrolado ng nasabing mga angkan ang paggamit ng mga pinagkukunang-yaman ng estado at ang mga oportunidad sa negosyo, mabisang sinasarili ang mga pinagkukunang-yaman ng pamahalaan at negosyo sa mga rehiyong ito. Sa ibang bahagi ng Indonesia, iniuugnay ang desentralisasyon sa mga pinunòng may estilong mala-mafia, na nagpapalubha sa kriminalidad at nagpapahina sa kompetisyong demokratiko sa pamamagitan ng pananákot sa mga katunggaling pampolitika. Sa pagkakamkam ng mga nasabing pinunò sa kapangyarihang pang-ekonomiya at pampolitika sa lokál na nibél, nasimulan nilang gawing “mga sonang awtoritaryo” ang mga lugar na ito (Ziegenhain 2016,60).
Kayâ naman, isang di-sinasadyang resulta ng desentralisasyon sa Indonesia ang desentralisasyon ng mga oportunidad sa katiwalian, lalo na sapagkat ang mga kasangkapan sa pagpapasiya at pangangasiwa sa pinansiyang pangmadla ay parsiyal na nalipat sa mga lokál na nibél. Kung wala ang magkapanabay na mga repormang kinakailangan sa pagbuo ng kapasidad at responsabilidad sa lahat ng larang sa lokál na kalagayang administratibo, ang lahat ng kahinaan ng pambansang burokrasya ay agad na makikita sa mga katumbas nito sa lokál na nibél.
Marahil, ang karanasan ng katiwalian at masamâng pamamahala sa ilang rehiyon sa Filipinas (e.g., Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM) ay pinakamahusay na nasusuri sa konteksto ng mga di-perpektong mekanismo para sa desentralisasyon. Tinangkang harapin ng mga reporma kamakailan ang mga usaping ito. Halimbawa, upang masubaybayan ang mga pinansiyal na aktibidad ng lokál na pamahalaan, makapagtaguyod ng partisipatibong pamamahala, at makatulong sa pagsansala sa katiwalian, isinulong ng dating Sekretaryo Jessie Robredo ng Department of Interior and Local Government (DILG) (Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokál) ang “kalibradong desentralisasyon,” na ang pananagutan ay dapat na kakawing ng kalayaan ng mga pamahalaang lokál. Nagdisenyo si Robredo ng tatlong programa upang masiguro ang paghusay sa pagtupad ng tungkulin ng mga lokál na pamahalaan (Hutchcroft 2014).
Una, sa Full Disclosure Policy (Patakarang Ganap na Pagsisiwalat), inilantad sa publiko ang impormasyon tungkol sa badyet at mga proyekto ng mga lokál na pamahalaan upang mapukaw ang kanilang interes at pakikisangkot sa pagpapanagot sa kanilang mga lokál na pinunò. Ikalawa, sa paghikayat sa mga lokál na yunit ng pamahalaan na magkamit ng Seal of Good Housekeeping (SGH) (Tatak ng Mabuting Pangangasiwa), inilatag ng DILG ang mga kondisyon para sa lokál na pamamahala na nagdulot ng higit na mabisang resulta. Panghuli, sa pagbibigay sa mga yunit na tumanggap ng SGH ng pagkakataong makapagkamit ng mas maraming pagkukunan para sa kanilang mga proyekto ukol sa kaunlaran at pagpapahupà sa karalitaan sa bisa ng Performance Challenge Fund (Pondong Hámon sa Pagtupad-Tungkulin), lumikha rin ang DILG ng makapangyarihang insentibong pinansiyal para sa mga lokál na yunit ng pamahalaan upang maiangkop ang kanilang mga hangarin sa higit na mahusay na pamamahala at maraming pinagkukunan.
Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, inasahang tataas ang pananagutan ng mga pinunò ng mga lokál na yunit ng pamahalaan. Isang modipikadong sistema ng mga pamahalaan-sa-pamahalaang paglilipat-pondo ang mabubuo sa ganitong mga inobasyong pampatakaran, lumilikha ng mga posibleng “mekanismong pangkalibrasyon” sa lokál na pinansiyang pampubliko. Makapagkakaloob ito ng insentibo sa lalong mainam na piskal na awtonomiya sa halip na katiwalian at dependensiya na lubha nang naging malaganap sa ilang rehiyong nakapailalim sa sistemang IRA.

Back | Proceed to Question 4: Ano ang mga espesipikong peligro ng mga di-sinadyang kinahinatnan sanhi ng federalismo? |