1. Mapapasakanino ang soberanya: sa pamahalaang federal o sa mga pamahalaang pang-estado? Magkakaroon ba ng mga konstitusyon at bandilang pang-estado?
Sa PDP Laban Model of PH Federalism (PDP Laban Modelo ng Federalismo sa Filipinas) na ipinása ng partidong pampolitika ni Presidente Duterte sa Committee on Constitutional Amendments of the House of Representatives (Komite sa mga Enmiyendang Konstitusyonal sa Kamara ng mga Kinatawan), mapapasakamay lamang ng federal o pambansang pamahalaan ang soberanya. Hindi magkakaroon ng prinsipyong “pinagsasaluhang soberanya” na siyang ginagawa sa ibang mga federasyon.
Ginamit ng mas matatanda at mas matatatag nang federasyon ang prinsipyong “pinagsasaluhang soberanya” sapagkat naorganisa sila sa pamamagitan ng “pagsasama-sama” na ang mga orihinal na independiyenteng estado ay nagpasiyang bumuo ng isang unyon o federasyon. Gayunman, may ibang konteksto ang Filipinas. Sa kabila ng pagkakaroon nito ng likas na dibersidad, naitatag ang Filipinas simula’t sapul bilang isang estado, sanhi higit sa lahat ng kolonyal nitong nakalipas. Kung gayon, isinasaalang-alang ang federalismo, sa konteksto nito, bilang isang mekanismong “tagapagbuklod,” na ang awtonomiya ay ipagkakaloob sa mga yunit na nasasakupan nang hindi nawawala ang mapagbuklod na awtoridad ng isang estado. Ito rin ang dahilan kung bakit pinipili ng PDP Laban na tawaging “rehiyon” ang yunit na subnasyonal sa halip na “estado,” dahil may konotasyong soberanya ang salitang “estado.”
Gayunman, ang dalawang pangunahing nibél ng pamahalaan—ang federal at ang rehiyonal—ay hahango ng awtoridad sa konstitusyong federal at unang-unang mananagot sila sa kani-kanilang mga botante. Kung gugustuhin ng mga pamahalaang rehiyonal, makapagpapatibay sila ng sariling organikong batas na iiral lamang sa kani-kanilang rehiyon, ngunit dapat na umayon ito at hindi lumalampas sa itinatakda ng federal na konstitusyon. Maaari rin silang magkaroon ng sarili nilang sagisag at bandila tulad ng ginagawa sa lahat ng mga yunit ng lokál na pamahalaan.